These are compilations of informations, guides, tips and how to's. This is to help fellow Filipino to start up a small business.
Friday, October 11, 2019
PANELO COMMUTE CHALLENGE: Trending! | Netizens' Best Reactions Viral Video
In-accept ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo para maranasan ang pagko-commute sa Metro Manila at nakadagdag pa ito ng problema sa mga nakasabay nya sa pagsakay ng jeepney kaninang umaga, ika-11 ng Oktubre.
Ang mga pasaherong nagmamadaling pumasok sa eskwela at trabaho na nakasabay ni Panelo ay umalma at nadismaya sa mga pangyayari.
Sa ikatlong jeepney na sinakyan ni Panelo ngayong Byernes ng umaga ay sinalubong ng mga reporters at cameramen para sa isang interview kaya napatigil ang jeepney na sinasakyan nila sa kahabaan ng Aurora Boulevard.
Habang ini-interview nila si Panelo ay halatang naiinis na ang mga pasahero. Ang sabi ng isang madre, "Oo, naapektuhan kami. Eh nagmamadali kami eh. "Di lang siya ang pasahero dito. Nang dahil sa kanya huminto 'yung jeep."
"Nagmamadali kami. May klase din kami. 'Yung iba sa amin may trabaho din po"
At sabi pa na isang nakamotor, "Dapat siksikan, hindi yung ganun. Dapat ‘yung talagang siksikan, punong-puno ng pawis mo."
Sinisi pa ni Panelo ang mga media dahil sa pag sunod sa kanya. "Ang nagcause ng traffic ‘yung mga media, hindi ako. Kasi dalawang oras akong nananahimik eh, bigla kayong dumating. Kaya nga precisely nagdecline ako eh, nagdecline ako ng coverage. But obviously magagaling kayo, natrace 'nyo," ang sabi ni Panelo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment