Friday, May 22, 2020

MGA MULTA NG DRIVERS NA LALABAG GCQ | LTO



Ang Land Transportation Ofc o LTO ay naglabas ng memorandum circular ukol sa penalties na ipapataw sa mga violators ng transportation guidelines sa ilalim ng General Community Quarantine.



Ang mga lalabag sa sanitary measures gaya ng hindi pagsusuot ng mask at gwantes ay pagmumultahin ng P2k hanggang P10k at pwedeng kasuhan ng reckless driving sa ilalim ng MC 2020-2185



Para sa mga Public Utility Vehicles o PUV's, ang paglabag dito ay pwedeng ma-impound ang sasakyan at ma-revoke ang certificate of public convenience sa ikatlong paglabag nito. Ang mga PUV's naman na walang special permit to operate ay ikokosiderang colorum.



Pag dating naman sa social distancing, ang mga drivers ay pag mumultahin ng P1k at mahaharap violation na  overloading kung hihigit sa 50% ang mga pasahero nito. Kung less than 50% naman ng capacity ang pasahero nito pero hindi sumusunod sa social distancing, ang driver ay makakasuhan ng reckless driving at breach ng franchise condition.



Samantala, ang mga indibiduwal nahuling nasa labas ng kanilang bahay at hindi "Authorized Persons Outside of Residence ay pagmumultahin ng P3000 at makakasuhan ng driving without valid license.

No comments:

Post a Comment