These are compilations of informations, guides, tips and how to's. This is to help fellow Filipino to start up a small business.
Tuesday, March 17, 2020
SARADO NA MGA TINDAHAN | TRICYCLE DI NA RIN NAPASADA
Ito ang sitwasyon ngayon sa Calauan, Laguna matapos ipatupad ang "Enhanced Community Quarantine" (ECQ) sa buong Luzon. Kokonti na ang mga tao sa lansangan. Mga private vehicles na lang ang nabiyahe o dumaraan dito sa mga kalsada ng kabayanan. Marami at sapat naman ang mga gulay, bigas at iba pang mga basic needs. Ang bilihan ng mga karne ay maagang nagsara sa kadahilanang maaga naubos ang paninda. Walang tricycle na napasada kaya naman ang reklamo ng mga bukas na tindahan ay matumal daw ang benta. Karamihan sa tindahan ay sarado na maliban sa mga maggugulay bakery at botika. Sa botika ay wala na ring mabiling alcohol at face mask.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment